Photoshop-free Face

Bukod sa photoshop at kung anu-anong pagpapa-retoke sa mukha, may iba pang ways para mapakinis ito. Hindi naman talaga imposible ang magkaroon ng flawless skin katulad sa mga pictures ng Headshot Clinic basta sa tamang pangangalaga lang ng balat.
  • Cleanse. Ugaliin ang maghilamos. Ang frequency ng paghihilamos ay naka-depende rin sa skin type (kung oily, dry, normal or combination). Hangga't maaari, gumamit ng facial wash na hiyang sa balat at iwasan ang hand soap para sa mukha dahil ginagamit niyo rin yung panghugas pagkatapos niyong mag-jebs.
  • Exfoliate. At least twice a week, gumamit ng facial scrub para matanggal ang dead skin cells sa face. Huwag gawing madalas ang pag-facial scrub dahil pwede ring ikasira nito ng inyong face.
  • Hydrate. Ang balat ang isa sa huling nakaka-absorb ng tubig sa katawan natin. Uminom parati ng tubig at gumamit ng moisturizers or hydrating gels para mapanatiling supple at fresh ang kutis. Hindi naman necessary na magpakalunod sa tubig para ma-hydrate ang balat.
  • Diet. Wala pang conclusive studies na nagsasabing nakakaapekto nga ang klase ng pagkain sa breakouts, etc. Pero mabuti pa ring bantayan ang kinakain dahil may mga pagkain na pwedeng magkaroon ng allergic reactions na nagiging cause ng breakouts (gaya ng chocolates at mani).
  • Relax. Isa sa malaking culprit ng pangit na balat ang stress. Kaya nararapat na maging positive parati at bigyang panahon na magpahinga ang sarili. This way, hindi na kakailanganin pa ng botox ang balat balang araw.
Pero kung wala kayong panahon sa mga ganyang skin regimen, nandito naman ako para i-edit ang mga pix niyo... sa sapat na halaga.

Fight the Big C with Your Hands

Pwede mong labanan ang cancer sa pagngalngal ng isang libong lutong kamatis para makuha ang lycopene content nito. Pwede rin sa pagnguya ng buong pinya para lumabas ang phytochemicals nito at labanan ang mga carcinogens sa katawan niyo. Pero GUYS, alam niyo bang nakasalalay lang sa inyong mga kamay ang protection laban sa prostate cancer?

Ayon sa pag-aaral, ang frequent na ejaculations ng mga lalaki ay nakakatulong sa pag-flush ng carcinogens na naco-concentrate sa prostate glands. Suggested nga na mag-ejakolate at least 12 times a month para maramdaman ang benefits nitong protection. Dagdagan pa ang frequency nito ay mas lalong bababa ang panganib ng prostate cancer. Though, pwede rin naman ejaculation through sex, hindi ito suggested dahil hindi rin guaranteed ang safety nito sa sexually transmitted infections.

Bukod sa mga tomato-based products at pinya, magandang gawing investment ang mga lubricants at iba pang pampadulas para hindi naman mapaltos ang inyong mga patotoy. Pero kung nagtitipid, pagtyagaan na lang ang laway.

Trivia: Ang prostate gland din ang G-spot nating mga lalake... at located ito sa puwetan natin.

Source: http://news.bbc.co.uk/2/hi/health/3072021.stm