Fart Smart

Anong mangyayari sa'yo kapag kumain ka ng kamote? UUTOT. Pero bakit? Bakit ang patatas naman kahit maparami ka ng kain ay hindi ka mapapautot gaya ng sa pagkain ng kamote kahit na magpinsan naman ang salinlahi nila?

Iyon ay dahil mas mataas ang fiber content ng kamote kaysa sa patatas. At syempre, kapag mataas ang intake ng fiber, isa sa epekto nito ay ang madalas na pag-utot. Pero bukod sa fiber, nagtataglay din ng anti-oxidants ang kamote gaya ng beta-carotene at vitamin C. At kapag mas orange pa ito, mas mataas ang beta-carotene (vitamin A) nito. Meron din itong glutathione na maganda sa ating katawan at liver, pero wala pa namang studies na mas maputi ang mga kumakain ng kamote. Maganda ring source ng vitamin B6 ang kamote.


Kaya kung kakain ng kamote, huwag ng mag-alala kung magiging ututin. Kung sandamakmak ba namang nutrients ng kinakain dapat mas proud pa nga. Saka wala namang makakaalam na umutot ka kung di ka magre-react o magsasalita. Kung meron mang dapat alalahanin yun ay ang pagsiguro na utot nga lang nilabas ng puwet mo.