Getting Lost in Hair

Kasama sa benefits ng pagiging lalake ay ang pagkakaroon ng maraming buhok sa iba't ibang sulok ng katawan. Pero kagaya ng buhok natin sa ulo, kailangan din ng body hair na i-maintain. Though, hindi naman necessarily na isha-shampoo, conditioner at i-hot oil pa. Pwede rin naman kung likas lang ang kaartehan sa katawan.

Kung sakaling kumambyo kayo or nagkamot ng kili-kili at napansin niyong hindi na makaalis ang mga daliri niyo dahil naligaw ito sa kapal ng buhok, panahon na para bawasan yan. Maraming paraan, nariyan ang waxing, plucking, shaving at trimming.

Ang pinaka-suggested kong paraan ay ang trimming. Affordable na at kayang-kaya pang gawin mag-isa. Pwede rin ito kahit sa mga mistulang biktima ng bulbolic plague o sa mga lalakeng tila naligo sa hair grower. Ang weird naman kasi ng waxed/shaved armpits at pubes sa mga lalakeng bulbulin at balbunin. At sa trimming, mame-maintain pa rin ang manly machismo. Medyo mahirap nga lang mag-trim ng buhok sa kili-kili, I swear!

Kung kakaunti lang naman ang balahibo sa katawan o can afford na ipa-tanggal ang buhok sa buong katawan, the best ang waxing. Mas matagal kasing tumubo muli ang buhok compared sa shaving. I-practice lang siguro ang pagsigaw na macho ang dating lalo kung iwa-wax na sa nipple area o magpapa-boyzilian wax (waxing sa singit).

Ang plucking, suggested lang yan sa few parts ng katawan at kung kakaunting buhok lang ang tatanggalin. Pwede rin naman sa buong katawan kung talagang walang magawa sa buhay at sobrang haba ng oras para sa sarili. Ok ang plucking sa facial hairs at para maiwasan ang unibrow. Ok rin ang plucking kung hindi pa hihigit sa sampu ang buhok sa kili-kili.

Ayan ang mga ways para i-maintain ang body hair. Make sure lang na maputi pa rin ang kili-kili para kahit maghapong nakataas ang mga kamay, hindi maaasiwa ang ibang tao na tumingin sa underarms niyo.